Kaugnay ng selebrasyon ng Earth Day noong ika-22 ng Abril taong 2021, nagsagawa ang DENR CENRO Calaca ng paglilinis ng tabing dagat at pagtatanim ng bakawan sa Barangay Luyahan, Lian, Batangas.

Ang selebrasyon ay may temang “Restore our Earth” na naglalayong makapagbigay ng kaalaman sa importansya ng pagkonserba ng kalikasan. Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng limitadong bilang lamang ng mga empleyado ng CENRO Calaca at kawani ng Barangay upang mapanatili ang “social distancing”.

Nasa limampung (50) piraso ng bakawan ang naitanim sa Barangay Luyahan at 12 sako ng basura ang nakolekta.