Isang “Philippine Eagle Owl” (𝘣𝘶𝘣𝘰 𝘱𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘯𝘴𝘪𝘴) ang itinurn-over ng Municipal Environment and Natural Resources Office ng lokal na pamahalaan ng San Jose, Batangas sa tanggapan ng DENR CENRO Lipa. Ang nasabing ibon ay natagpuan ng isang “concernend citizen” noong 14 Abril 2021 sa Brgy. Mojon, San Jose, Batangas. Ayon sa pagsusuri at sertipikasyon ng beterinaryo, namamaga ang kanang paa nito kung kaya’t kailangang itong bigyan ng agarang lunas.

Noong nakaraang 19 Abril 2021 agad na dinala ng DENR CENRO Lipa sa pamamagitan ng Enforcement and Monitoring Section ang nasabing ibon sa DENR IV-A Regional Wildlife Rescue Center sa Calauan, Laguna para sa tamang pangangalaga.

Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, maaaring tumawag o magpadala ng mensahe sa mga sumusunod na detalye:

(043) 775-2976 / 404-9223

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.