Mauban, Quezon - Paglilinis ng baybaying-dagat ng ilang tauhan ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Tayabas, Provincial Environment and Natural Resources, Philippine Army, mga residente, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at Municipal Agriculture Office (MAO) na isinagawa sa Brgy. San Lorenzo, Mauban, Quezon noong 8 Abril 2021.

Nasa tatlong daang (300) sakong may bigat na mahigit kumulang dalawang (2) toneladang binubuo ng mga piraso ng plastik, lubid, nylon, damit, hiringgilya, mask, diaper, plastik na baso, lambat, at iba pang klase ng mga basura ang nakolekta ng mga nakiisa sa gawain.

Ang gawaing ito ay pinangunahan ng mga nakatalaga sa Conservation and Development Section (CDS) ng CENRO Tayabas bilang bahagi ng Coastal and Marine Ecosystem Management Program (CMEMP) nito. Ito ay isa lamang sa pitong (7) nakatakdang gagawing paglilinis pa para sa mga susunod na buwan ng opisina.

Isinagawa ito na may pag-oobserba sa mga protocol na may kinalaman sa kalusugan gaya ng social distancing at pagsusuot ng face masks upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga katanungan, maaaring magpadala ng sulat/mensahe o tumawag sa mga sumusunod:

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

(042) 784 2841

DENR CENRO Tayabas

Brgy. Potol, Tayabas City