Print

Noong ika-12 ng Abril, ang CENRO Sta. Cruz ay nakatanggap ng isang mensahe sa pamamagitan ng aming Official Facebook Account patungkol sa pagturn-over ng Dalawang Juvenile Scops Owl sa Brgy. Duhat, Santa Cruz, Laguna.

Ayon sa concerned citizen, nakita raw ng isang mag-asawa malapit sa kanilang bahay ang mga nasabing kwago ng malaglag ang mga ito sa isang puno ng niyog. Agad niya itong kinuha at nagtanong sa tanggapan ng CENRO Sta. Cruz kung papaano ang proseso ng pag turn-over ng mga nasabing kwago.

Agad namang dinala ng concerned citizen ang dalawang juvenile scops owl sa tanggapan ng CENRO Sta. Cruz upang ito ay maiturn-over.

Ang mga nasabing kwago ay dinala sa Wildlife and Rescue Center ng DENR CALABARZON na matatagpuan sa Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna.

Ang CENRO Sta. Cruz ay muling nananawagan sa publiko na kung sino man ang makakita ng mga buhay-ilang na maaaring masagip , maiturn-over, o di kaya ay mayroong ilegal na nagmamay-ari o nagbebenta ay ipagbigay alam ito sa aming tanggapan sa pamamagitan ng aming Telepono  (049) 536-8903, sulatroniko: cenrosta This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. at sa aming Official Facebook Account:

http://www.facebook.com/denrcenro.stacruz

Asahan po ninyo na ang DENR ay kaisa niyo sa patuloy na pagtanggol at pagprotekta ng ating kapaligiran at likas-yaman.

#DENRCALABARZON

#PENROLaguna

#CENROStaCruz