Kasalukuyang isinasagawa ang Levelling-Off sa pagsasagawa ng Watershed Characterization and Vulnerability Assessment ng San Juan at San Cristobal Watershed na matatagpuan sa mga lungsod ng Calamba, Cabuyao at Sta. Rosa, Laguna, ngayong umaga, 16 Abril 2021 sa PENRO multipurpose Hall, Lalakay, Los BaƱos, Laguna.

Dahil ang Laguna ay nasa ilalim pa rin ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ),  minabuti ng Conservation and Development Section (CDS) na limitahan ang face to face meeting at bagkus ay isagawa din ito sa pamamagitan ng Zoom application upang makadalo ang iba pang mga participants virtually. Kabilang sa mga lumahok sa nasabing levelling-off ay mga kinatawan ng mga local government units (LGUs) ng Calamba, Sta. Rosa at Cabuyao. Kasama din ang ilang non-government organizations (NGOs) at kinatawan ng Conservation and Development Division (CDD), DENR CALABARZON. Personal naman itong dinaluhan nila PENRO Ronilo L. Salac, Chief Technical Services Division (TSD) Divina A. Villaluz, Chief Managament Services Division (MSD) Annabelle M. Barquilla, Chief CDS Melvin L. Lalican, PLO III Lourdes S. Jacinto at mga personnel mula sa CDS.

Ang nasabing levelling-off ay isinagawa ng may pagtalima sa mga protocols ng IATF kabilang ang pagsusuot ng face masks at physical distancing.