Ang CENRO Catanauan sa pamumuno ni CENRO Lupo T. Telan ay nagsagawa ng paglilinis sa pangunguna ni Forester Nida Castro Barros, Coastal and Marine Ecosystems Management Program (CMEMP) Focal kasama ang mga Section Chiefs sa Barangay 7, Poblacion, Catanauan, Quezon.

Kasamang nakibahagi sa nasabing paglilinis ang mga representatives mula sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Phenology, Brgy. Officials at 4Ps beneficiaries ng lugar.

Layunin nito na mapanatiling malinis ang lugar malapit sa dagat sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga di nabubulok na basura tulad ng plastik at para na rin maiwasan ang pagtungo nito sa katubigan na syang nagiging dahilan ng pagkasira at pollution ng ating karagatan.

#MonthOfThePlanetEarth2021

#CommunityInvolvement