Pagsasagawa ng Information, Education and Communication campaign ng mga empleyado ng DENR CENRO Real kasama si MENRO Polillo staff Armando Aznar sa Brgy. Binibitinan, Polillo, Quezon noong 7 ng Abril,2021. Ang mga Sangguniang Barangay ay aktibong nakilahok kasama ang ilang residente.

Pinasimulan ni Polillo Station OIC Azor Bonita ang programa sa pamamagitan ng isang panalangin at pagbabahagi ng kahalagahan ng gagawing aktibidad. Unang tinalakay ni FT 1 Margie Buencamino Atendido ang PD 705, Resolution No. 003-2011 at Chainsaw Act of 2002. Sumunod na nagdiskusyon si FT 1 Ryan Mortiz tungkol sa RA 7942 o Philippine Mining Act of 1995. At sa panghuli, ibinahagi ni EMB Embedded Personnel Aileen Bañado Flaviano ang RA 9003 Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Pagkatapos ng programa ay namahagi ng mga IEC materials ang grupo.

Ang lahat ay sumunod sa IATF Health Protocol, Nagsuot ng Face Mask at mayroong Social Distancing.