Print

Pagbilao, Quezon โ€“ Isang green sea turtle (๐˜Š๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ข ๐˜ฎ๐˜บ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ด) ang natagpuan at nailigtas ng mga residenteng sila G. Wilson Postrado at G. Norberto Telpo ng Brgy. Kanlurang Malicboy, Pagbilao, Quezon ngayong 7 Abril 2021.

Ang pawikan ay napadpad sa mababaw na bahagi ng dagat at diumanoโ€™y nabitag ng baklad. Pinakawalan rin ito sa Brgy. Ibabang Polo, Pagbilao, Quezon matapos itong suriin at lagyan ng tag o pananda ng mga kinatawan ng CENRO Tayabas sa parehong araw, sa tulong ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao, Quezon.

Ang green sea turtle ay isa lamang sa limang (5) species ng pawikang naninirahan at matatagpuan sa karagatan ng Pilipinas. Ito rin ay naiiba sa ibang uri ng pawikan sa kadahilaang ito ay kumakain ng seagrasses o algae, kung saan dito rin nakuha ang ngalan nito.

Patuloy ang panawagan ng nasabing ahensiya na ipagbigay alam lamang ang mga ganitong uri ng pangyayari kabilang ang iba pang uri ng mga buhay-ilang upang mailigtas ang kanilang buhay.

Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, magpadala lamang ng sulat sa mga detalyeng nasa ibaba.

DENR CENRO Tayabas

Brgy. Potol, Tayabas City

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

(042) 784 2841