Print

Ang Catanauan 4311 at 4311 Youth kasama ang CENRO Catanauan, Quezon ay nagkaroon ng Tree Planting/Growing Activity ngayong araw 06 Marso 2021 sa Brgy. Cawayanin Ibaba, Catanauan, Quezon na may temang "𝗣𝗹𝗮𝗻𝘁 𝗮 𝗧𝗿𝗲𝗲 𝗡𝗼𝘄 𝗳𝗼𝗿 𝗮 𝗕𝗲𝘁𝘁𝗲𝗿 𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱 𝗧𝗼𝗺𝗼𝗿𝗿𝗼𝘄".

Nagsimula ang akitibdad sa pamamagitan ng isang panalangin na pinangunahan ni G. Edgar Dilig at sinundan ito ng Pambansang Awit ng Pilipinas. Nagbigay naman ng Welcome remarks si Brgy. Captain Arturo De Luna kung saan siya ay lubos na nagpasalamat dahil ang kanilang Barangay ang napili upang pagtaniman ng 150 na Narra at Kalumpit mula sa CENRO Catanauan at 150 na Mahogany na ipinagkaloob sa Catanauan 4311.

Sumunod dito ay nagbigay ng mensahe ang 4311 Co-Founder at Admin na si G. KC Cuerdo. Sinabi niya na mahalaga ang aktibidad na ito upang maranasan din ng mga susunod na henerasyon ang tunay na kahulugan ng kasiyahan na kung saan magigisnan nila ang mga magagandang punong-kahoy at makalanghap ng sariwang hangin. Dagdag pa niya, ang pagtatanim ng mga puno ay may kaakibat na responsibilidad sa lahat ng lumahok upang ang mga ito ay sumibol at yumabong.

Nagbigay din ng kanyang mensahe ang Tayo ang Kalikasan (TAK) Focal person ng CENRO Catanauan na si Forest Ranger Kelly C. Alquiros. Ipinarating niya ang pasasalamat ng ahensya sa paanyaya ng Catanauan 4311 sa nasabing aktibidad. Matapos ang mensahe ay nagkaroon ng Hamon ang Catanauan 4311 sa mga miyembro ng 4311 Youth upang tanggapin ang responsibilad sa pangangalaga ng mga punong itatanim dito. 

Nilahukan ito ng mga miyembro ng Catanauan 4311, 4311 Youth, Team Pidac Bikers at 2KM Builders. May kabuuang 300 na puno ang naitanim sa nasabing barangay.