Print

Nagkaroon ng validation ang EMB-CALABARZON sa open dumpsite ng San Francisco, Quezon noong 04 Marso 2021 sa pangunguna nina SEMS Ruby F. Sarmiento at PEMO Gliceria S. Verzo kasama ang ilang kawani ng CENRO Catanauan, Quezon sa pangunguna ni CENRO Lupo T. Telan, MENRO Rico P. Edades at Engr. Mark Jason R. Carabido mula sa Local Government Unit (LGU) ng San Francisco, Quezon.

Bago ang pagbisita sa nasabing open dumpsite ay nagkaroon muna ng courtesy call ang grupo sa Municipal Mayor ng San Francisco, Quezon na si Hon. Elvira C. Alega upang ipaalam na magkakaroon ng pagbisita sa kanilang open dumpsite. Matapos ang pag-uusap ay nagkaroon ng on-site visit at monitoring sa open dumpsite na matatagpuan sa Brgy. Inabuan, San Francisco, Quezon.

Sa huli ay napagkasunduan na permanenteng isara ang nasabing dumpsite alinsunod sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.