
Isang brahminy kite (ππ’ππͺπ’π΄π΅πΆπ³ πͺπ―π₯πΆπ΄) ang nailigtas ng tanggapan ng CENRO Lipa sa pamamagitan ng Enforcement and Monitoring Section noong Pebrero 26,2021.
Ang nasabing ibon ay nakita sa pamamagitan ng isang facebook post sa βBantay Trapiko sa Batangas Cityβ na kung saan diumano ay nakita ito sa tabi ng isang bahay sa Barangay Dumuclay West, Batangas City.
Batay sa pagsusuri, nasa maayos na kalagayan ang nasabing ibon ngunit hindi husto ang kanyang timbang. Dahil dito, agad itong dinala sa DENR IV-A Regional Wildlife Rescue Center sa Calauan, Laguna para sa tamang pag-aalaga.
Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, maaaring tumawag o magpadala ng mensahe sa mga sumusunod na detalye:
(043) 775-2976 / 404-9223
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
- Details
- Parent Category: News & Events
- Category: Photo Releases
- Published: 03 March 2021