Print

TINGNAN: Ang CENRO Catanauan, Quezon ay nagsagawa ng Coastal Clean-up Activity sa ilalim ng Coastal Marine Ecosystems Management Program (CMEMP) ngayong araw sa Brgy. Bacong Ibaba, General Luna, Quezon.

Nagkaroon muna ng pananalita si For. Nida Castro Barros bago sinimulan ang nasabing aktibidades. Ayon kay For. Barros, mahalaga na mapanatiling malinis ang baybaying-dagat dahil ito ay nagbibigay ng kabuhayan at mga pangunahing pangangailangan ng mga residente katulad ng pangingisda na siyang pangunahing hanap-buhay ng mga nakatira dito.

Sumunod na nagbigay ng menshe ay sina MENRO William Verdan, SB member Rolando Atienza at Brgy. Captain Nestor Magtibay na kung saan ay nagpasalamat sila sa mga lumahok at sa mga personnel ng CENRO Catanauan, Quezon sapagkat ang kanilang bayan at barangay ang napili na magkaroon ng ganitong aktibidades.

Ito ay nilahukan ng DENR personnel, Sangguniang Bayan ng General Luna, Quezon, Sangguniang Barangay at mga residente ng Brgy. Bacong Ibaba, General Luna, Quezon. Mayroong 420 kilos ng ng di-nabubulok na basura ang nakolekta sa baybaying-dagat ng nasabing barangay.

Isinagawa ang aktibidades ayon sa mga alituntunin na ipinapatupad ng IATF upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, katulad ng pagsusuot ng facemask at pagpapanatili ng social distancing.