Print

TINGNAN: Nagsagawa ng pagtatanim ng mga Bakawan ang Local na Pamahalaan ng Catanauan, Quezon sa pangunguna ni MENRO Krisnah Marie  Alayan kasama ang mga grupo mula sa CENRO sa pangunguna ni Forester I Nida Castro Barros  upang magbigay assistance sa mga personalidad na nakibahagi sa gawain na isinagawa sa Bakawanan ng Brgy. Matandang Sabang Kanluran, Catanauan, Quezon ngayong umaga.

Ang nasabing gawain ay bilang pag gunita sa World Wetlands Day na ginaganap tuwing Pebrero 2 ng taon. Ito ay dinaluhan ng mga representante mula sa hanay ng bombero, sundalo, kapulisan, local at barangay, gayundin ng organisadong myembro ng blue brigade ng nasabing Barangay.

May kabuang bilang na 29,500 ang naitanim sa loob ng 11 ektaryang bakawanan ng humigit 122 katao na nagtanim.