Print

TINGNAN: Sa ilalim ng programang ‘Tayo Ang Kalikasan’ (TAK) ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas Yaman, isang kasunduan ang nilagdaan ng Ushio Philippines Incorporated sa pagitan ng DENR CALABARZON ngayong ika-17 ng Pebrero 2021 na ginanap sa tanggapan ng Ushio Phil. Inc., FCIE, Dasmariñas City, Cavite.

Ang kasunduan ay naglalayon na mapayabong at makapagtanim ng mga punla ng indigenous trees sa 5,000 metro kwadradong plantasyon sa loob ng PENRO Cavite BUB-NGP site na matatagpuan sa Barangay Halang, Amadeo, Cavite. Ito ay alinsunod sa implementasyon ng Enhanced National Greening Program (eNGP) sa buong bansa kasama ng lokal na komunidad at mamamayan sa nasabing lugar.

Ang kasunduang ito ay naisagawa sa pangunguna ni General Manager Domingo B. Balde Jr., at ni DENR CALABARZON Regional Executive Director Nonita M. Tamayo na na-una nang nilagdaan ang nasabing kasunduan na sinaksihan naman ni HRD & ADMIN Sr. Manager Epigenia A. Graida ng Ushio Phil. Inc at kawani ng PENRO Cavite.