Noong nakaraang 17 Pebrero, kasama ang ilang kawani ng DPWH, San Miguel Corporation, 23 Plus Inc. at CENRO Sta. Cruz, binisita ni CENRO Victor H. Mercado ang mga punong naimbentaryo para sa aplikasyon ng Tree Cutting Permit ng TR4 Project sa mga Barangay ng Sta Veronica, San Pablo City at San Benito, Alaminos, Laguna.

Kahapon naman, 16 Pebrero 2021, isinagawa ang isang Information, Education, and Communication (IEC) Campaign na pinangunahan ng Conservation and Development Section (CDS) Chief Elisa Apolinario De Vera kasama si EMS I Astrud Cabuscabus patungkol sa paghahanda ng pagawa ng Forest Land Use Plan (FLUP) para sa Bayan ng Pangil. Layunin ng FLUP na magkaroon ng pagsang-ayon ang lahat at makagawa ng rekomendasyon sa naayong gamit ng Forests and Forest Land (FFL) kasama na ang mga mahahalagang hakbang sa pagtukoy ng mga open access areas at para malaman ang akmang pmamahala nito at ng mga angking ymanag napapaloob rito.

Nagkaroon din ng isang IEC ang Enforcement and Monitoring Section (EMS) na pinangunahan ni Forester Daniel Arthur patungkol sa mga ipinatutupad na mga batas at polisya ng DENR. Ang mga requirements at pagproseso ng mga permits tulad ng Tree Cutting Permit, Certificate of Tree Plantation Ownership (CTPO), Chainsaw Registration at Certificate of Wildlife Registration (CWR) ay tinalakay. Binigyang diin din ang mga responsibilidad ng mga Kapitan ukol sa pagkuha ng mga requirements ng kanilang mga kababayan.

Natapos ang mga IEC sa isang talakayan at palitan ng kaalaman ukol sa mga tinalakay na mga paksa.

Isinagawa ang mga nasabing aktibidad ng may ibayong pag-iingat alinsunod sa itinakda ng IATF.