Print

Gumaca, QUEZON — Mula sa pagnanais ng Gumaca Tree Planters and Pallet Makers Agriculture Cooperative (GTPPMAC) na madagdagan ang kapal ng ating kagubatan, ang CENRO Calauag ay nakiisa sa ginanap na tree planting activity ng naturang samahan noong Lunes, 15 Pebrero 2021.

Sa pangunguna nina CENRO Joselito D. Barros at GTPPMAC President Preciliano B. Aviles, nakapagtanim ang kooperatiba ng 400 puno ng Narra at Acasia mangium sa palibot ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Brgy. Progreso, Gumaca, Quezon.

Dahil sa mga nauna nang mga pagtatanim na isinagawa ng GTPPMAC simula pa lang ng taon, inasahan na may kasunod pang mga pagtatanim ang isasagawa ng kooperatiba sa bayan ng Gumaca, Quezon.