
Pagbilao, Quezon โ Panayam ni CENR Officer Raymond A. Rivera tungkol sa Quezon Protected Landscape (QPL) para sa On-Site Shoot na pinangunahan ng Business Unusual Media Solutions (BUMS) Inc. sa pagkuha ng mga video at litratong kailangan para sa Audio Visual Production, nito lamang Martes, 9 Pebrero 2021.
Ilan lamang sa kanyang mga nabanggit ang kahalagahan nitong pinangangalagaang lugar (protected area) sa kapaligiran at mga katabing komunidad, mga pagsubok na kinakaharap nito, at ang mga itinatampok nitong lugar gaya ng Malabayabas Forest, View Deck, Buenavista Spot, Herbal Pavillion, Pinagbanderahan, atbp. na nakatutulong sa mga lokal na komunidad, kasama na rin ang mga hayop at halaman na naninirahan dito.
Isa rin sa kanyang mga naisaad ang Protected Area Management Board (PAMB) na isang multi-sector na lupon o samahang binubuo ng ibaโt ibang organisasyon o ahensiyang mapapribado man o publiko, na siyang namamahala sa pagprotekta at konserba ng likas na yaman ng lugar.
Gaya ni Rivera, nakapanayam din ng BUMS Inc. ang SLSU Instructor na si G. Essex Vladimer Samaniego tungkol sa kanyang ginawang pagsasaliksik sa naturang lugar na pinamagatang โSpecies Composition and Conservation Status of Amphibians of Limestone Karst Forests of Quezon Protected Landscape (QPL)โ.
Ayon kay Samaniego, nakapagtala rito ng labing apat (14) na uri ng palakang matatagpuan sa loob ng pinangangalagaang lugar, tanda na ang QPL ay isang diverse na kagubatan na mayroong magandang status ng biodiversity sa kabila ng kanyang sukat [1042.85 ektarya]. Isa sa labing apat (14) na ito ang ๐๐ญ๐ข๐ต๐บ๐ฎ๐ข๐ฏ๐ต๐ช๐ด ๐ฒ๐ถ๐ฆ๐ป๐ฐ๐ฏ๐ช na isang endemic species o dito lamang matatagpuan.
Kung nais basahin ang nakaraang pahayag at unang araw ng pagsasagawa ng aktibidad na ito, bisitahin lamang ang link na ito:
https://www.facebook.com/cenrotayabas/posts/419921549283298
Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga katanungan, maaaring magpadala ng sulat/mensahe o tumawag sa mga sumusunod:
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
(042) 784 2841
DENR CENRO Tayabas
Brgy. Potol, Tayabas City
- Details
- Parent Category: News & Events
- Category: Photo Releases
- Published: 16 February 2021