Nagkaroon ng tree planting activity ang kapatiran ng Gammans sa Brgy. Tuhian, Catanauan, Quezon noong 12 Pebrero 2021 sa pangunguna ni Regional Executive Director Nonito M. Tamayo.

Nagsimula ang aktibidad sa pamamagitan ng isang panalangin at sinundan ito ng mensahe mula sa Brgy. Captain na si Leopoldo Quindoza at CENR Officer Lupo T. Telan.

Nagkaroon din ng IEC tungkol sa mga programang ipinapatupad ng DENR. Ipinaliwanag ni For. Rico Belen ang Ten (10) Priority Programs ng DENR sa mga residente ng Barangay upang mas lumawak ang kaalaman nila sa mga batas pangkapaligiran at malaman nila ang kahalagahan ng aktibidad para sa Barangay.

Sa huli ay nagbigay ng maikling mensahe si RED Nonito M. Tamayo sa mga participants ng tree planting activity. Ayon sa kanya, mahalaga ang aktibidad na ito para sa mga residente ng Barangay sapagkat sila ang makikinabang dito kapag ito ay lumaki na. Dagdag pa niya, nakatutulong ito upang maiwasan ang pagbaha at pabago-bagong klima o Climate Change na nararanasan natin ngayon. Nagpasalamat din siya sa mga lumahok sa nasabing aktibidad.

Ito ay pinangunahan ng kapatiran ng Gammans sa tulong ng mga personnel ng DENR-CENRO Catanauan, Quezon; Barangay Officials ng Brgy. Tuhian at mga residente nito.

Mayroong dalawang daang (200) puno ng Narra (Pterocarpus indicus) at dalawang daang (200) puno ng Kalumpit (Terminalia microcarpa) na may kabuuang apat na daang (400) puno ang naitanim sa Barangay roadside ng Brgy. Tuhian.

Isinagawa ang aktibidad ayon sa alituntunin na ipinapatupad ng IATF upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19, katulad ng pagsusuot ng facemask at pagpapanatili ng social distancing.