Print

Ang pagdiriwang ng “Valentines Day” ng mga empleyado ng DENR CENRO Real. Bilang paggunita sa araw ng mga puso, pinangunahan ni Enforcement and Monitoring Section Chief, Forester III Ronaldo Rozaldo ang pagtatanim ng dalawang daang (200) Molave seedlings sa PP1636 Forest Park and Arboretum sa Brgy. Maragondon, Real, Quezon noong 10 Pebrero, 2021.

Ang gawaing ito ay sinimulan ng isang Panalangin at ang nagpadaloy ay si LMI Randy Tabelisma. Nagbigay ng mensahe sina CDS Chief Lyra Michaela Rivera at si EMS Chief Ronaldo Rozaldo sa ginanap na pagdiriwang. Kasama rin sa aktibidad na ito ang Regulation and Permitting Section na pinamumunuan ni Land Management Officer III  Flordeliza Igloria.

Sa kabuuan, naging matagumpay ang aktibidad na naglalayong mapaganda, maparami at mapalawak ang samot-sari ng puno at halaman sa Forest Park and Arboretum.

Ang aktibidad na ito ay sumunod sa alituntunin ng IATF upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Ang mga kalahok ay nagsuot ng face mask at sumunod sa pinapatupad na social distancing.