Print

Isang Information, Education and Communication Campaign (IEC) ang isinagawa ng PENRO Laguna na pinangunahan ng Enforcement and Monitoring Section (EMS) kasama ang mga itinalagang Information Officers sa Brgy. Pulong Sta. Cruz, Sta. Rosa City, Laguna, ngayong araw, 11 Pebrero 2021 sa ilang Barangay Officials/Personnel at mga miyembro ng Grand Chestnut Grove Homeowner's Association.

Ilan sa mga mahahalagang paksa na tinalakay sa nasabing refresher course/seminar ay ang mga iba't-ibang Environment and Natural Resources (ENR) laws, rules and regulations na siyang ipinatutupad ng DENR kabilang ang Revised Forestry Code of the Philippines o PD 705, mga permit na ini-issue ng DENR tulad ng tree cutting, Certificate of Tree Plantation Ownership, Chainsaw Act at ang Ecological Solid Waste Management Act o RA 9003.

Patuloy ang pagsasagawa ng PENRO Laguna ng mga information dissemination/IEC campaign upang mapagtibay ang ugnayan at makakuha ng suporta sa mga iba't-ibang organisasyon at stakeholders ng sa gayon ay mapaigting ang pangangalaga sa kapaligran at likas-yaman ng ating lalawigan.

Mahigpit na sinunod ng mga dumalo sa nasabing IEC campaign ang mga patakaran o health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at ang isang metrong physical distancing kaugnay pa rin ng bantang dala ng COVID-19.