Print

Pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-4 na anibersaryo ng “Puno mula sa Puso”; IEC para sa mga CWR Holders; at paglagda sa isang kasunduan patungkol sa isyu ng isang piggery farm

Ngayong 11 Pebrero 2021 nakilahok ang ilang kawani ng CENRO Sta. Cruz sa pagtatanim ng 2,000 puno sa Brgy. Alipit, Santa Cruz, Laguna bilang pakikiisa sa ika-4 na anibersaryo ng Puno Mula Sa Puso ng Bayan ng Santa Cruz.

Nagkaroon din ng isang Information, Education, and Communication Campaign (IEC) ang Enforcement and Monitoring Section para sa mga Certificate of Wildlife Registration (CWR) holders ng ika-3 at ika-4 na Distrito ng Laguna. Nasaad sa nasabing IEC ang terms and conditions na nakapaloob sa nasabing CWR. Binigyang diin din ang kahalagaan ng mga CWR holders bilang katuwang ng ahensya sa pangangalaga at pagprotekta ng mga Buhay-Ilang.

Ngayong hapon naman, dumalo si CENRO Victor Mercado sa paglagda ng isang kasunduan sa pagitan ng isang piggery owner, mga residente, PGENRO at sa Bayan ng Pangil na pinangunahan ni Mayor Gerald Aritao. Nilalayon ng kasunduan na ito na maisaayos ang paraan ng pagtrato nito sa mga dumi ng baboy ng sa gayon ay mapanatili ang kalinisan nito at hindi makaapekto sa kapaligiran at komunidad.