Print

Ngayong 10 Pebrero 2020, muling naglinis ng baybaying-dagat ang ilang tauhan ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Tayabas, barangay, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng Unisan sa Brgy. Calilayan, Unisan, Quezon.

Tatlumpu’t tatlong (33) sako na may bigat na mahigit-kumulang 495 kilo ng mga basurang binubuo ng plastik, e-waste, mask, faceshield, gulong, tubo, bote, tsinelas, sapatos, upos ng sigarilyo, karton, garapon, baso, aluminum cans, tin cans, plastik na kutsara, diaper, net, damit, payong, bag, gwantes, hanger, supot, balat ng kendi, balat ng shampoo at sabon, plato, styro, sirang sako, galon, atbp., ang nakolekta ng mga nakiisa sa gawain.

Nagkaroon din ng maikling pagtuturo at pagpapaalala mula sa mga kinatawan ng mga dumalong ahensiya, isa na rito si Forester Jomar Padilla ng CENRO Tayabas.

Ayon kay Padilla, ang tagumpay ng isang gawain ay hindi makakamit ng isang ahensiya o ng lokal na pamahalaan lamang kung wala ang tulong at pakikisama ng komunidad.

Bahagi ang gawaing ito ng Coastal and Marine Ecosystem Management Program (CMEMP) ng DENR. Ito ang pangalawang isinagawa at isa lamang sa pitong (7) nakatakdang gagawing paglilinis pa para sa mga susunod na buwan, ng CENRO Tayabas na pinangunahan ng mga nakatalaga sa Conservation and Development Section (CDS).

Isinagawa ito na may pag-oobserba sa mga protocol na may kinalaman sa kalusugan gaya ng social distancing at pagsusuot ng face masks upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga katanungan, maaaring magpadala ng sulat/mensahe o tumawag sa mga sumusunod:

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

(042) 784 2841

DENR CENRO Tayabas

Brgy. Potol, Tayabas City

(Mga larawan ni: Bryan Portes)