Print

ISANG NORTHERN LUZON GIANT CLOUD RAT (Phloeomys pallidus) ang nai-turned over ng City Veterinarian ng Antipolo City sa PENRO Rizal noong January 29, 2021.

Isang concern citizen ang nagpaabot ng impormasyon sa Facebook Page ng Antipolo City patungkol sa nasabing buhay ilang. Batay sa report ng City Veterinarian Ms. Angelica Cardeno na isa ding Wildlife Enforcement Officer (WEO) ng Rizal, ang Giant Cloud Rat ay nakitang pagala-gala sa kabahayan ng Sitio Kulasisi, Antipolo kung kayat hinuli na ito ng isang residente sa lugar.

Samantala, ayon kay Sir Noel Rafael, Curator and Conservation Program Director ng Avilon Zoo, may kalituhan sa pagtukoy ng mga cloud rat species. Kung kayat magsasagawa sila ng pag-aaral saklaw ang parehong species, Phloeomys pallidus at Phloeomys cumingi na maaaring matatagpuan sa bulubundukin ng Bulacan at Rizal. Dagdag pa dito, ang kahabaan ng Sierra Madre Mountain Range na nag-uugnay sa dalawang probinsiya. Aniya, “It would not be surprising if we do confirm that both species' range overlap in the province. What we need to know is their ecological relationship, hence the need for further surveys and field studies.”

Muli, patuloy ang panawagan ng PENRO Rizal sa publiko na ipagbigay alam kung meron mang matagpuang mga buhay ilang na kailangan ng agarang aksyon, mga ilegal na pag-aalaga, maging pagbebenta.

Tumawag sa numerong 8 286-6170 o mag email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. Maaari ding mag padala ng mensahe kalakip ang mga larawan sa official facebook account ng PENRO Rizal at sa page ng DENR CALABARZON.