Calamba City, Laguna- "Home of the brave, home of the heroes", yan ang sambit ni PLTGen Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa 30th PNP Foundation Day Celebration, kung saan tinutukoy nya ang rehiyon ng CALABARZON.

Sa selebrasyong ito, ginawaran din ng parangal si DENR CALABARZON Regional Executive Director Nonito M. Tamayo ng Plaque of Recognition sa suportang ibinigay ng pangrehiyong kagawaran sa mga tree planting activities ng PNP sa Rizal Province.

Sa mga susunod na linggo ay patuloy ang native trees at mangrove planting sa buong rehiyon. Ang PNP ay magsasagawa ng Mangrove planting sa Bacoor at Ternate, mga bayan sa Probinsiya ng Cavite.

Hinihikayat ng DENR CALABARZON ang publiko at pribadong sektor na makipag ugnayan ukol sa mga lugar na maaari pang iadopt bilang tree planting sites sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulatroniko sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..