Pitogo, QUEZON โ€” Noong ika-4 ng Pebrero 2021, ang DENR-CENRO Calauag, sa pamamagitan ni CENR Officer Joselito D. Barros, ay naglaan ng panahon upang talakayin ang mga usaping pangkalikasan sa bayan ng Pitogo, Quezon.

Pinangunahan ni CENRO Barros ang Tanggapan ng CENRO Calauag upang talakayin sa Lokal na Pamahalaan ng Pitogo ang mga napapanahong usaping pangkalikasan sa naturang bayan.

Tinalakay ni CENRO Barros kina Mayor Dexter Sayat at MENRO Rodel Peรฑaranda ang mga programang may kaugnayan sa โ€œreforestationโ€, una na rito ang National Greening Program (NGP).

Aniya, mayroong kabuuang lawak na 148-ektarya ang nataniman ng bakawan o โ€œmangroveโ€ sa bayan ng Pitogo, at ito ay naisakatuparan sa ilalim ng National Greening Program.

Ang mga bakawang ito ay itinanim noong 2013 at 2014 sa mga abandonadong palaisdaan at mga tabing dagat na nasasakupan ng mga barangay ng Soliyao Ibaba, Pacatin Ibaba, at Bilucao.

Napag-usapan din na maaaring magkaroon ng โ€œmangrove plantingโ€ sa mga nasabing NGP plantations na ito, laloโ€™t higit sa mga abandonadong palaisdaan na may expired na Fishpond Lease Agreement, dagdag pa niya.

Binanggit naman ni MENRO Peรฑaranda na mayroong kinikilalang Peopleโ€™s Organization (PO) sa kanilang bayan na maaring mangalaga sa mga plantasyon ng bakawan na itinanim sa ilalim NGP.

Sinabi naman ni CENRO Barros, kinakailangan na magkaroon ng pagsusuri at pagtatasa sa kasalukuyang estado ng mga itinanim na bakawan sa bayan ng Pitogo.

Ito ay upang masimulan na ang mga unang hakbangin sa pagpapatuloy ng pagpapatanim ng mga bakawan sa naturang munisipalidad.

Sunod naman niyang tinalakay ay ang Solid Waste Management ng Pitogo.

Ayon sa kanya, ang "open dumpsite" ng nasabing bayan ay kailangan nang mapatigil sa operasyon nito, bago pa man matapos ang buwan ng Marso.

Ito ay ayon na rin sa utos ni DENR Secretary Roy A. Cimatu, alinsunod sa umiiral na Batas Republika Blg. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management (ESWM) Act of 2000.

Nasasaad sa batas na ito na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa mga "open dump sites", sapagkat ang pagdedeposito ng mga basurang walang maayos na pagpoproseso ay maaring magkaroon ng masamang epekto sa kalikasan at kalusugan ng tao.

Tinalakay rin ang ilang mga bagay na may kinalaman sa pagpapatitulo ng lupa. Sinabi ni CENRO Barros na magkakaroon ng Memorandum of Partnership Agreement (MOPA) sa pagitan ng DENR at Lokal na Pamahalaan ng Pitogo upang mapabilis ang pagpoproseso ng mga papeles sa na nauukol dito.

Nangako naman ang Sangguniang Bayan ng Pitogo na lubos nilang sinusuportahan ang mga programa at proyektong ipinatutupad ng DENR sa kanilang bayan.