Print

Unang araw ng On-Site Shoot sa Quezon Protected Landscape, 6 Pebrero 2021, kasama ang mga kinatawan ng Conservation Development Division ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) CALABARZON, Community Environment and Natural Resources Office (CENRO)Tayabas, at Business Unusual Media Solutions Inc. na silang nanguna sa pagkuha ng mga video at litratong kailangan para sa Audio Visual Production.

Ang produksiyon na ito ay bahagi ng kasunod na season ng Our Fragile Earth (Protected Areas of the Philippines) na pinangungunahan ni Deputy Speaker and Antique Congresswoman (DSL) Loren Legarda katulong ng DENR upang bigyang-diin ang kahalagahan ng Expanded National Integrated Protected Areas System o ENIPAS sa ilalim ng Republic Act No. 11083.

Isa rin sa mga layunin ng Our Fragile Earth ang bigyang kaalaman ang mga mamamayan tungkol sa mga pinangangalagaang lugar o protected area, upang mapalawig ang kanilang kamalayan nang sa gayon ay mas maprotektahan ang likas na yaman.

Ang Malabayabas Forest, Buenavista Spot, View Deck, Pinagbanderahan Peak, Pinagbanderahan Cave, Cueva Santa, Herbal Park Pavillion, eight (8) falls ay ilan lamang sa mga mga nakatakdang lugar na binisita ngayong araw at bibisitahin sa mga susunod pa, sa kabila ng hindi kaaya ayang panahon.

Isinagawa ang aktibidad na may pag-oobserba sa mga protocol na may kinalaman sa kalusugan gaya ng social distancing at pagsusuot ng face masks upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga katanungan, maaaring magpadala ng sulat/mensahe o tumawag sa mga sumusunod:

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

(042) 784 2841

DENR CENRO Tayabas

Brgy. Potol, Tayabas City