Print

Bilang paggunita sa pagdiriwang ng World Wetlands Day, isinagawa ang Coastal Clean- up ngayong 4 Pebrero, 2021 sa baybayin ng Brgy. Kiloloron, Real, Quezon. Aktibong lumahok ang mga kawani ng DENR CENRO Real sa pangunguna ng bagong CENR Officer, Forester Oliver O. Olivo. Kasama rin ang mga opisyal at ilang residente ng nasabing Barangay na pinangunahan ng butihing Kapitan, Hon. Brgy. Captain Maria M. Yu.

Bago simulan ang aktibidad, nagbahagi ng kaalaman si CENRO Olivo sa kahalagahan ng Wetlands sa komunidad at kapaligiran at kung paano ito mapapangalagaan.

May limampu’t limang tao ang lumahok na binubuo ng tatlumpo’t limang(35) babae at dalawampung(20) lalaki. Mahigit kumulang isang kilometro ang bahaging baybayin ng Brgy. Kiloloron ang nalinisan. Nakakolekta ng limampung (50) kilo ng basura na dinala sa Material Recovery Facility (MRF) na kokolektahin ng municipal garbage truck mula sa MENRO Office.

Nagtapos ang kaganapan ng mapayapa at ang lahat ay sumunod sa tamang Health Protocols.