Print

Unang regular na pagpupulong ng Protected Area Management Board (PAMB)-Binahaan River Watershed Forest Reserve (BRWFR) para sa taong 2021, na isinasagawa ngayong araw, 2 Pebrero 2021 sa Queen Margarette Hotel, Brgy. Domoit, Lucena City, Quezon.

Kabilang sa mga nakatalagang pag-usapan ang mga sumusunod: Biodiversity Monitoring System Report para sa nakaraang gawain, requirements for the appointment of Non-ex officio members at iba pang bagay at mga resolution na may kinalaman sa mga aktibidad sa loob ng pinangangalagaang lugar.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Tubig Biyaya Irrigators Association, Binahaan Watershed Protection Group, Binahaan Senior Citizen Association Inc, Barangay Binahaan, ERBD-UBRDEC, PENRO Quezon, CENRO Tayabas at iba pa sa pamamagitan ng zoom application.

Isinagawa ang pagpupulong na may pag-oobserba sa mga protocol na may kinalaman sa kalusugan gaya ng social distancing at pagsusuot ng mask upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga katanungan, maaaring magpadala ng sulat/mensahe o tumawag sa mga sumusunod:

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

(042) 784 2841

DENR CENRO Tayabas

Brgy. Potol, Tayabas City