Noong nakaraang  Disyembre 4, 2020, ang mga kawani ng CENRO Sta. Cruz, kasama ang Sangguniang Kabataan at Staff ng MENRO ng Bayan ng Siniloan, Laguna, ay nakapagtanim ng 200 na punla ng Bignai (Antidesma bunius) at Molave (Vitex parviflora) sa 50 ha. NGP CY 2015 Indigenous Species Plantation sa Brgy. Magsaysay, Siniloan, Laguna.

Ang nasabing aktibidad ay isang inisyatiba ng butihing Regional Executive Director Nonito M. Tamayo, sa pakikipagtulungan nina PENRO Ronilo L. Salac at CENRO Victor Mercado, na gamitin ang mga replacement seedlings mula sa mga approved tree cutting permit sa pagpapataas ng survival rate ng mga graduated NGP Sites.

Layunin din nito na mahikayat ang publiko na makilahok sa mga ganitong uri ng aktibidad upang maging katuwang ng DENR sa pagpapayabong ng ating mga natitirang kagubatan.

"Ikaw, Ako, Tayo ang Kalikasan"