Print

Noong nakaraang Disyembre 2, 2020, sa pangunguna ng butihing CENRO Victor Mercado at ng CENRO NGP Coordinator Elisa Apolinario de Vera, ang mga kawani ng CENRO Sta. Cruz, sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Sinilioan na pinangungunahan ni Mayor Rainier A. Leopando, Sangguniang Kabataan ng Siniloan na pinangungunahan ni SK Chairman Carl Anthony S. Puño, at ni MENRO Raymond Salay, ay nakapagtanim ng 487 na punla ng Bignai (Antidesma bunius) at Molave (Vitex parviflora) sa 50 ha. NGP CY 2015 Indigenous Species Plantation sa Brgy. Magsaysay, Siniloan, Laguna.

Layunin ng aktibidad na ito na hindi lamang mapataas pa ang survival rate ng nasabing graduated NGP site, kung hindi pati na rin mahikayat ang iba't ibang organisasyon, lokal na pamahalaan at komunidad na makilahok sa mga ganitong uri ng aktibidad na isinasagawa ng DENR upang patuloy na maprotektahan at mapangalagaan ang ating mga natitirang kagubatan.

Ang mga replacement seedlings mula sa mga approved tree cutting permit ang ginagamit na mga pananim para sa nasabing aktibidad. Ito din ay isang serye na nagsimula ngayong araw hanggang Disyembre 17, 2020.