Print

Nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DENR CALABARZON at Pamahalaang Bayan ng Liliw, Laguna para sa Joint Implementation ng Forest Land Use Plan ng bayan ng Liliw.

Nagkaroon ng maikling programa na dinaluhan nina MPDC Mark Zeus BorgoƱos, MENRO Dante B. Arcigal, Jr., MLGOO Maricar F. Llarena, Municipal Councilor and SB Committee Chairperson on Environment - Elizabeth L. Carrillo at Mayor Ericson J. Sulibit. Ito ay dinaluhan din nina Regional Executive Director Nonito M. Tamayo, Asst. Regional Director for Technical Services Alfredo C. Palencia, PENRO Ronilo L. Salac at CENRO Victor H. Mercado.

Layunin ng FLUP na maproteksyunan ang mga kabundukan ng Liliw, higit lalo ang mga tinatawag na mga open access areas upang ito ay magamit sa pinaka-angkop at wastong gamit nito. Ang FLUP ay magiging gabay ng lokal na pamahalaan at ng DENR upang mapanatili at maproteksyunan ang kabundukan.

Ang nilagdaang MOA ay sumisimbolo sa pinagtibay na ugnayan at partnership sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Liliw at ng DENR CALABARZON tungo sa iisang layunin na mapangalagaan at mapanatili ang ganda ng mga kabundukan ng Liliw, Laguna.