Kuha noong pagdinig kasama ang Sangguniang Bayan ng Santa Cruz

Noong Setyembre 25, 2020, sa pangunguna ni CENRO Victor Mercado kasama ang ilang kinatawan ng Regulation and Permitting Section ay dumalo sa isang pagdinig ng Sangguniang Bayan ng Santa Cruz, Laguna patungkol sa pagsasagawa ng “Tripartite Agreement” na kinabibilangan ng DENR IV-A (CALABARZON), Registry of Deeds-Santa Cruz at Local Government Unit ng Santa Cruz.

Sa nasabing pagdinig ay inilahad nila CENRO Victor H. Mercado at LMO III Solly A. Vargas ang layunin ng nasabing kasunduan kung saan matutulungan nito ang mga mamamayan ng Santa Cruz para sa pagsasaayos ng kanilang mga dokumento upang mapabilis ang pagpapatitulo ng kanilang mga lupain sa pamamagitan ng programang Residential Free Patent at Agricultural Free Patent.

Lubos na nagagalak ang Sangguniang Bayan ng Santa Cruz sa nasabing kasunduan at laking pasasalamat nila sa DENR dahil malaking tulong ang maiaambag nito sa kanilang mamamayan at bayan.

Nakatakdang pirmahan ang nasabing kasunduan sa pansamantalang petsa na Oktubre 01, 2020.