Print

Ngayong araw ng Biyernes, Setyembre 18, 2020, Sa pangunguna ni CENROVictor Mercado, ang CENRO Sta. Cruz ay nakiisa sa pagdiriwang ng World Bamboo Day 2020 na ngayong taon ay may temang Pamanang Kawayan: Luntiang Ginto ng Kagubatan.

Bilang pakiisa, ang CENRO Sta. Cruz ay nagsagawa ng isang Bamboo Planting activity na kung saan 500 punla ng Kawayang Tinik ang naitanim sa eNGP CY 2017 60 ha. Bamboo Plantation na matatagpuan sa mga barangay ng Sabang ng Pagsanjan at Palasan ng Santa Cruz sa lalawigan ng Laguna.

Nakiisa sa nasabing aktibidad sina Lt. Col. Pastor Castillo, P. Maj. Melisa Malayo, Sir Rodney Fabroada, PEMS Mariel Fitan, Brgy. Captain Ariel Javier, Brgy. Captain Justina Magdalena, mga representatives mula sa Munispyo ng Santa Cruz, mga kapulisan ng Laguna Provincial Police Office, Pagsanjan Municipal Police Station, Santa Cruz Municipal Police Station, mga personnel ng CENRO Sta. Cruz at ilang residente ng Brgy. Sabang at Palasan.