Print

nagkaroon ng paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Provincial Government of Laguna, DILG, PENRO Laguna, Provincial Peace and Order Council, Municipal Government of Pangil, League of Barangays in the Philippines, LGU of Pinagbayanan, Municipal Advisory Council of Pila, Rotary Club of Pila West at Laguna Police Provincial Office,PNP.

Layunin ng MOU na ito na mailunsad ang Proyektong SPLakaM (Samahang Pulis Laguna, Kapanalig mo at Makakalikasan)ng Laguna Police Provincial Office, PNP sa pamamagitan ng buong suporta at tulong ng mga nabanggit na mga organisasyon.

Naglalayon din ito na maitaas ang kamalayan sa pantay na pagbabahagi ng mga reponsibilidad sa pag-aalaga sa kapaligiran, pati na rin ang pagkakaisa sa paglaban sa pandemyang Covid 19 sa pamamagitan ng pag-adopt ng aktibidad ng pagtatanim ng mga puno para sa mga lumalabag sa quarantine, minimum health standard at protocol ng pandemyang Covid19.

Kasabay ng paglagda ng MOU, ay nagsagawa din ng isang Tree Planting Activity na kung saan ang mga participants ay nakapagtanim ng 320 na mga punla ng mga namumungang kahoy at mga indigenous tree species sa Sitio Wawa, Brgy. Pinagbayanan, Pila, Laguna.

Dumalo sa mga nasabing aktibidad sina Pila Mayor Hon. Edgardo Ramos,  PMAJ Melisa Malayo, Laguna PPO Provincial Director PCOL Serafin Petalio II, DILG Provincial Director Engr. John Cerezo, PENRO Ronilo Salac, CENRO Victor Mercado, Representative of Governor Ramil Hernandez, mga Pulis ng Laguna, Sangguniang Barangay ng Pinagbayanan, at mga kababaihan ng Bayan ng Pila at ng Pinagbayanan.

“May magagawa Tayo, Tayo ang Kalikasan”