Ngayong Huwebes, Agosto 20, 2020, alinsunod sa rekomendasyon ni USEC. Jim Sampulna, ang butihing CENRO Victor H. Mercado, Kasama ang Chief ng Regulation and Permitting Section Solly Vargas, LMO II Gloria Acuña at FOR I John Carlo Carandang,ay nakipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Bayan ng Santa Cruz upang magkaroon ng pakikipagtulungan at ng buong suporta sa pagpapatitulo ng mga agrikultural at residensyal na lupain at iba pang mga itinakdang mga gawain ng DENR.


Sa nasabing pagpupulong na dinaluhan ng mga pinuno ng lokal na pamahalaan ng Bayan ng Santa Cruz sa pangunguna ni Hon. Mayor Edgardo “Egay” San Luis, Municipal Assessor Melita Ambrosio, Municipal Legal Ronaldo Mariano, Admin. Melvin Bonza, MPDCO Rosaly Gutierrez at Atty. Edwin Lagac ng Registry of Deeds- Santa Cruz, ay nagkaroon ng palitan ng mga kaalaman upang mapalawig at mapagtagumpayan ang mga panukalang mga aktibidad na makakatulong sa Lokal na Pamahalaan at mga mamayan ng Santa Cruz, DENR, higit lalo na sa pagpapayabong ng mga natitirang kapaligiran at Likas Yaman ng Bayan ng Santa. Cruz.
Magkakaroon muli ng mga susunod na pagpupulong upang makabuo ng isang Technical Working Group na naatasan sa pagpapatupad ng mga panukalang mga programa at magkaroon ng pagpapaigting ng Information, Education, and Communication (IEC) Campaign upang maitaas ang kamalayan at kaalaman ng mga mamamayan ng Santa Cruz.


Ang DENR naman ay nagalak sa pagpapakita ng buong suporta ng pamahalaan ng Santa Cruz sa nasabing pagpupulong.