Print

"Wag makuntento sa posisyon kung ano kayo ngayon, suportahan ang isa't-isa, maging masipag, matiyaga at magdasal upang maabot ang tagumpay ng bawa't isa at ng DENR".

Mga salita na sinabi ni USEC for Field Operations, Enforcement and Muslim Affairs Jim O. Sampulna, CESO III nang makadaupang palad ng mga empleyado ng PENRO, Quezon sa pangunguna ni PENRO Ramil R. Limpiada.

Anya, gusto nyang makasama ang mga field personnel upang malaman ang kalalagayan at maipaabot ang mensahe ng buong suporta at pasasalamat ni Secretary Roy A. Cimatu na bagama't limitado ang pagkilos ng lahat dahil sa COVID19 pandemic ay nagagampanan ng mga kawani ang tungkulin na pangalagaan ang likas na yaman at patuloy na naisusulong ang iba pa na programa ng DENR.

Hiniling din nya ang patuloy na suporta sa pamunuan ng DENR Central Office, CALABARZON at PENRO, Quezon at team work sa pagsasagawa ng mga tungkulin/gawain.

Kasama din sa nasabing pagbisita sina ASEC for Field Operations-Luzon Gilbert C. Gonzales, Enviromental Protection and Enforcement Task Force Director Nilo B. Tamoria, CALABARZON RED Nonito M. Tamayo at ARD for Tecnical Services Alfredo C. Palencia.