Noong nakaraang Agosto 13, 2020 ay mainit ang pagtanggap ng CENRO Sta. Cruz sa pagbisita at pagbibigay suporta ng mga DENR Officials na sina USEC. Jim Sampulna (Undersecretary for Field Operations, Enforcement, Muslim Affairs), Asec. Gilbert Gonzales (OIC, Assistant Secretary for Field Operations-Luzon), Director Nilo Tamoria (Executive Director, Environmental Protection and Enforcement Task Force), RED Nonito Tamayo (Regional Executive Director, CALABARZON), ARD Alfredo Palencia (OIC Assistant Regional Director for Technical Services, CALABARZON), OIC, PENRO Ramil Limpiada at Sir Gaudencio Audie Dela Cruz sa nasabing tanggapan. Mahalagang oportunidad din sa mga taga CENRO Sta. Cruz ang pagbisita ng mga DENR Officials sa ipinagmamalaki nitong Rooftop Ecological Center.

Nagkaroon ng maikling briefing gamit ang isang Audio Visual Presentation (AVP) na kung saan ipinakita ang mahahalagang impormasyon, mga ipinatutupad na mga gawain at proyektong pangkalikasan, at ilang mga initiatibo ng CENRO Sta. Cruz.

Ang pagbisita ng mga nasabing DENR Officials ay naglalayon na malaman ang kalagayan ng mga field offices gayundin ang pagbibigay ng mga solusyon sa kinakaharap nitong mga suliranin sa pagkamit ng mga nakatakdang gawain dulot ng banta ng pandemyang COVID19.

Ayon kay USEC. Sampulna “ ang CENRO ay isang Community of People Working Together” kaya naman hinihingi niya ang kooperasyon at pagsuporta ng bawat isa para mapagtagumpayan ang mga itinakdang gawain at magbigay karangalan sa bawat isa. Saad din niya sa mga empleyado ng CENRO Sta. Cruz na patuloy na suportahan ang CENRO, PENRO, Regional Executive Director at ating mahal na DENR Secretary Roy Cimatu.