Noon lamang ika-6 ng Agosto ay nagpakawala ng isang lalaking Civet Cat ang DENR sa loob ng strict protection zone ng Mts. Banahaw-San Cristobal Protected Landscape (MBSCPL), bahagi ng Brgy. Concepcion Pinagbakuran, Sariaya, Quezon, na pinangunahan ni Protected Area Superintendent Salud Pangan at Kagawad Jesie Chumacera.

Ang Civet Cat o alamid/alimus na ito ay nahuli ng isang residente na si G. Jonathan L. Olazo sa isang farm lot sa Brgy. Ibabang Kalilayan, Unisan, Quezon na agad dinala sa isang Provincial Veterinarian sa Pagbilao, Quezon. Ayon sa pagususuri, ang buhay-ilang na ito ay malakas at mabuti ang kalusugan.

Na-turn over ang buhay-ilang noong July 6, 2020 sa tulong ni MENRO Prima Limbo ng lokal na pamahalaan ng Unisan, Quezon at FT I Lyka Pascual at FR Charito Dimayuga ng CENRO Tayabas.