Ngayong araw, isang Reticulated python na may habang 6 feet at may timbang na 6 kilos ang narescue ni Mr. KC Cuerdo na agad namang pinuntahan ng mga kawani ng CENRO-Catanauan, Quezon sa pangunguna ni FT II John Dave Natividad at Forest Ranger Darwin Dimayacyac, kasama sina FPO Roberto Villaruel at FT I Jamairra Mercado.

Agad itong dinala sa Municipal Agriculture Office ng Catanauan, Quezon upang masuri at maobserbahan ito. Mayroon itong sugat malapit sa kanyang ulo dahil sa paghahanap nito ng pagkain, dahil dito ay ihahanda pa ang buhay-ilang upang maibalik ito sa kanyang natural na habitat o tirahan. Ito ay nasa pangangalaga na ng CENRO Catanauan, Quezon.

Muli po, ang aming tanggapan ay nagpapaalala na mahigpit pong ipinagbabawal ang pagpatay sa mga buhay-ilang sa ilalim ng batas na RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.