Print

Dahil sa isang text message ng isang informant na natanggap ni PENRO Laguna 8888 Focal Person Larah Maree A. Vitug tungkol sa ilegal na pagmamay-ari ng mga wildlife o buhay-ilang sa Bigaa, Cabuyao City, Laguna noong Agosto 5, 2020, ang PENRO Laguna Quick Response Team na kinabibilangan ni FR Steve C. Salazar, FR Elmer F. Marana at Forester Ambrosio P. Lapis, Chief EMS ay nagsagawa ng surveillance upang alamin ang katotohanan ng nasabing report.

Ngayong araw, nagtungo muli ang PENRO QRT sa nasabing lugar at nagsagawa ng operation sa pakikipagtulungan nila City-ENRO Rogelio A. Del Rosario, Jr., Patrolman Ronnel Catubay, Patrolman Paclipan, Patrolman Orense, Police Staff Sergeant Robenson Manabat at Police Chief Master Sergeant Jumelle Veluz ng PNP Cabuyao at si Kapitan Mario M. Servo ng Bigaa. Sa ginawang operasyon, nakumpiska ang mga sumusunod na wildlife o buhay-ilang:

1 Long-tailed Macaque

1 Hill Mynah

2 Scorpions

3 Tarantulas at

1 Burmese Python

Ang mga nakumpiskang wildlife o buhay-ilang ay agad na dinala sa DENR Regional Wildlife Rescue Center sa Calauan, Laguna.

Ang PAGPATAY, PAGSIRA, PANANAKIT O PAGMAMALTRATO, PAGKALAKAL, PAGKOLEKTA, PANGANGASO, PAGTATAGLAY AT PAG-BIBIYAHE ng anumang uri ng buhay-ilang at maging pagsira ng kanilang mga tahanan ay MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL sa ilalim ng RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.