Print

Dahil sa isang facebook live at post ni Brgy. Councilor Simonne Canlas ng Pansol, Calamba City tungkol sa pagbubungkal ng lupa, ito ay mabilis na nakaabot sa pamunuan ng tanggapan ng DENR PENRO Laguna sa pangunguna ni PENRO Ronilo L. Salac kung kaya't kaagad umaksyon ang Enforcement and Monitoring Section at Quick Response Team na pinamunuan ni For. Ambrosio Lapis kasama si Forest Ranger Elmer F. MaraƱa, at Hotline 8888 Focal and Alternate Focal Persons Larah Maree Vitug at Kizza S. Candulisas.

Sa kasalukuyan, walang kahit anong permit na naipakita, mula sa DENR PENRO Laguna (Tree Cutting Permit) at MGB/PG-ENRO sa pagka-quarry.

Ipapatawag ng pamunuan ng PENRO ang mga gumawa ng nasabing ilegal na gawain para sa isang Technical Conference.

Ipinaabot po ng PENRO Laguna ang pasasalamat kay Brgy. Councilor Simonne Canlas at sa mamamayan ng Brgy. Pansol na nakiisa at tumulong upang maisawalat ang mga ilegal na gawain laban sa ating kalikasan.