Dahil sa dulot ng pandemyang COVID19, marami sa ating mga kababayan ang nahihirapan sa paghahanap ng makakain sa araw-araw. Kaya naman ang tanggapan ng CENRO Sta. Cruz ay patuloy ang paghihikayat na simulan ang pagcocontainer gardening gamit ang mga nareresiklo o mga patapon na mga bagay na maaring pagtaniman ng ano mang uri ng halaman na maaring mapagkunan ng pagkain. Ika nga kapag may itinanim ay may aanihin.

Ngayong Hulyo ay ipininagdiriwang natin ang “Nutrition Month”, Kaya naman naisipan ng butihing CENRO Victor Mercado ang isang aktibidad na kung saan ang Container Gardening na may tanim nang kahit anong uri ng gulay ang itatampok. Ang aktibidad na ito ay pinamagatang “BasuraAni – a CENRO Sta. Cruz Vegetable Container Gardening Contest”. Ito ay nanggaling sa dalawang salita na “Basura” at “Ani” na kung saan ang mga patapon na mga bagay ay maaring gawing kapakipakinabang upang mapagtaniman ng mga halaman na maaring pagmulan ng pandagdag na makakain sa araw-araw. Sa pamamagitan ng patimpalak na ito, maipapakita din ng mga empleyado ang pagiging malikhain upang ipakita ang mga iba’t ibang paraan kung papaano gawing kapakipakinabang ang mga patapon na mga bagay sa ating mga buhay gamit ang kanilang mga imahinasyon at pag iisip.

Sa pamamagitan naman ni Sir Ed Reyes, presidente ng SWIMA Inc, ay nagkaroon ng boluntaryong pagbibigay ng mga exciting prizes ang Free Spectrum Music Corporation at Joshua Meat Products para sa BasuraAni. Kaya naman, ang CENRO Sta. Cruz ay buong pusong nagpapasalamat kina Sir Ed Reyes, SWIMA Inc., Free Spectrum Music Corporation at Joshua Meat Products. Mabuhay po Kayong Lahat!