Ang CENRO Sta. Cruz Enforcement and Monitoring Section ay nagsagawa ng isang Information, Education, and Communication (IEC) Campaign patungkol sa ipinatutupad na mga batas at regulasyon pangkalikasan ng DENR sa Sangguniang Barangay ng Buenavista, kasama ang ilang staff ng Office of the Mayor, MENRO at MDRRMO ng Munisipyo ng Nagcarlan, Laguna.

Nagkaroon ng talakayan patungkol sa mga iba’t ibang permits na iniisue ng DENR-MGB at ng Provincial Mining Regulatory Board (PMRB)-Laguna. Binigyang diin din ni MGB Technical Personnel Raphael Martinez ang mga kaparusahan at multa sa mga lalabag sa batas na RA 7942 o Philippine Mining Act.

Ang batas naman na RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act ay tinalakay ni EMB Technical Personnel Alberto Dunca. Sinabi dito ang tamang paghihiwalay ng mga basura, mga paraan ng pagkokompost ng mga nabubulok na basura, mga tamang lugar na dapat pagtapunan ng mga basura depende sa uri, at ang mga kaparusahan at multa sa paglabag sa nasabing batas.

Sa huli, ay nabigyan naman ng pagkakataon na magtanong at magpalitan ng kaalaman ang mga participants upang maliwanagan sa mga tinalakay na mga paksa.