Print

Isang (1) Philippine pangolin (Manis culionensis) o “balintong” ang nai-turn over sa tanggapan ng DENR CENRO Calaca matapos makatanggap ng tawag mula sa MENRO Balayan ngayong araw Hulyo 14, 2020.

Ang nasabing buhay-ilang ay naiulat na napadpad sa bakuran ng isang residente ng Brgy. Tanggoy, Balayan, Batangas habang kalakasan ng ulan kahapon, Hulyo 13, 2020 bandang alas-10 ng gabi. Noong gabi ding iyon, ay agad namang isinangguni ng mga residente ang nahuling buhay-ilang sa Kapitan ng Brgy. Tanggoy at siya namang nakipag-ugnayan sa tanggapan MENRO- Balayan upang ma rescue.

Maraming Salamat sa lokal na Pamahalaan ng Balayan, Batangas sa pamamagitan ng tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resource Office (MENRO) bilang katuwang ng DENR CENRO Calaca sa pag protekta at pangangalaga ng ating kapaligiran at likas na yaman. At higit sa lahat maraming salamat din sa mga residente at pamunoan ng Brgy. Tanggoy sa maagap na pag aksyon.Mabuhay po kayo!

Muli, ang DENR CENRO Calaca ay nagpapaalala na mahigpit na pinagbabawal ang pagpatay, pagkakalakal, pangkokolekta, pangangaso, pagmamaltrato, pagbiyahe, at pagsira sa tirahan ng mga buhay-ilang o “wildlife” ayon sa Batas R.A 9147 o Wildlife Resources and Conservation Act.