Print

"Sana po ay isa- puso natin ang mga ginagawa natin para sa kapaligiran. Isipin po natin na ang ating mga anak ang sunod na makikinabang nito, kaya sana ay madatnan pa nilang maayos ang ating kapaligiran"

"Pag dating naman po sa mga face mask, ini- encourage po namin na gumamit nalang ng mga washable, mas matipid po ito kasi hindi na kayo bibili ng bibili at maiiwasan pa natin ang pagkakalat"

Ito ang mga naging pahayag ng bagong PENR Officer ng DENR Batangas na si Forester Noel M. Recillo sa kanyang live interview patungkol sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 o RA 9003, kasama sina CENRO Januel R. Peras ng CENRO Lipa, CENRO Isagani Q. Amatorio ng CENRO Calaca at EMB Chief, Luisa Garcia nitong umaga, sa DWAL-FM 95.9 Radyo Totoo.

Ang nasabing panayam ay live din sa facebook page ng 95.9 Radyo Totoo at Chanel 8 sa telebisyon.