Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng ika-33 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Kagawaran ng Kapaligaran at Likas-Yaman, ang PENRO Laguna sa pamumuno ni PENRO Ronilo L. Salac kasama ang Technical Services Division at Enforcement Monitoring Section ay nagsagawa ng isang anti-illegal logging operation sa pamamagitan ng paglalagay ng mga checkpoint/chokepoint sa mga sumusunod na lugar:

Brgy. Turbina, Calamba City, Laguna
Brgy. Maahas, Los Baños, Laguna

Taos-puso rin ang pasasalamat ng pamunuan ng PENRO Laguna sa PNP SWAT Calamba, Mayor Justin Marc Chipeco, Mayor Caesar Perez at PNP Los Baños sa kanilang ibinigay na suporta upang maayos na maisakatuparan ang nasabing aktibidad.