Print

Pormal na itinurn over ni Irma Diaz, concerned citizen mula sa St. Anthony, ang isang Philippine Scops Owl (Otus megalotis) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaninang umaga.

Naroon sa nasabing turn over sina Kagawad Donardo Funilas, DENR-EPETF Executive Director Nilo Tamoria, PENRO-Rizal Tech. Asst. Leonardo Punzal at PENRO-Cavite Forester Ma. Angela Tamoria.

Paalala sa ating mga Ka-Barangay, ipagbigay alam sa DENR o sa ating Barangay kung mayroon kayong nalalaman na kaparehong mga insidente gaya nito.

Mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang paghuli at pag-aalaga sa mga buhay-ilang o anumang wildlife nang walang kaukulang permit.