Isang Philippine Scops Owl ang narescue ng PENRO Laguna QRT na nauna ng napailalim sa pangangalaga ni Ms. Gemmalyn Castromero ng Mabuhay City Homes, Golden City, Sta. Rosa City, Laguna at isinangguni sa DENR. Ang nasabing kwago ay naiturn-over na sa DENR Regional Rescue Center na matatagpuan sa Calauan, Laguna.

Pinapaalalahanan ang lahat na huwag hulihin, ikulong o patayin ang mga buhay-ilang o anumang uri ng wildlife sapagkat ito ay labag sa Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.