Print

Noong ika-1 ng Mayo, ay nakatanggap ang CENRO Sta. Cruz ng isang text message mula sa hepe ng Enforcement Division, DENR CALABARZON tungkol sa pagkumpiska ng humigit kumulang 50 piraso ng Mahogany lumber/flitches ng mga Deputized ENROs sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Sta. Rosa, Alaminos, Laguna.

Nagsagawa din ang grupo ng scaling ng mga kahoy at pagkuha ng geotagged na mga litrato.

Pagkatapos ng ECQ (Enhanced Community Quarantine), magkakaroon ng Administrative Confiscation Proceedings (ACP) ang nasasakdal sa tanggapan ng CENRO Sta. Cruz alinsunod sa DAO 97-32 series of 1997.

Ang mga nakumpiskang mga kahoy naman ay pansamantala munang sa ilalim ng kustodiya ng Alaminos Muncipal Police Station.

Muli, nanawagan po ang CENRO Sta. Cruz sa publiko na huwag po natin samantalahin ang sitwasyon na nararanasan natin ngayon, dulot ng banta ng COVID19, na gumawa ng kahit anong mang uri na ilegal na mga gawain pangkalikasan.