Abril 28, 2020, ay nakatanggap ng isang 8888 complaint ang CENRO Sta. Cruz na di umano ay may ilegal na pagkolekta ng buhangin sa ilog ng Brgy. San Rafael, San Pablo City, Laguna.

Nagkaroon ng koordinasyon ang grupo ng CENRO Sta. Cruz Quick Response Team sa PNP San Pablo at sa Sangguniang Barangay ng San Rafael.

Kasama sina Police Staff Seargent Raymond Reyes, Police Corporal Roberto Cornejo, Kagawad Rafael Batralo, at kagawad Reynaldo Vinluan Jr., agad tumungo ang grupo sa area upang maimbestigihan ang idinulong na reklamo.